Thursday, January 31, 2013

Sa Unang Pagkakataon


Goodness---I was sooo busy. I'm pretty bad about time management lately. Now moving forward. ...After helping with chores at home -- of course all's left is the necessity to rest... and relax. Then, boredom found its way to my idle mind-- what's left to do aside from going through my things were....  read and write. I settled to writing, I took my pen and notepad (computer is a no -no for me when I'm still writing on draft- my eye's hurting) and scribbled word after words.  I believe you have to be inspired or vigorous---to get your mind working. I wasn't in the mood because I couldn't think of sensible things to write.So I stopped my doodling and Then I just thought of sorting my things and that's when I found the literary manuscript ( Dated a decade ago. hehe) , our book of literary art during college-- with one of my poems in it.It's not a "serious" one--meaning, its contents were kinda funny. I thought of just sharing it here...



Sa Unang Pagkakataon
Istee ™

Nang minsang mapadaan sa iyong tapat,
 Sa iyo'y napatingin nang ika'y kumindat
At sa iyong inasta,puso ko'y nagulat,
Kaya tanging naitugon ay matang  kukutikutitap.

Dahil sa mala Adonis na titig ng iyong mga mata
Damdamin ay bigla na lang inalihan ng kaba
‘Pagkat napagwari kong puso’y  nabihag mo pala
Aanga-anga kong puso, sa kindat mo’y nataranta.

Kaya ng sandaling muli kang masilayan
Pagkakataong makilala ka’y  di na hinayaan
Ngunit laking pagkadismaya ng ako’y di mo sulyapan
Inihandang pagbati ay nakimkim na lang.

Nag-ipon ng tatag at lakas ng apog
Ako’y humakbang, sa kinaroroonan mo’y dumulog
Kunwa’y nagtanong at nagsimulang magpakilala
At sa iyong itinugon, tunay na ako’y nabigla at napanganga.

Sari-saring emosyon ang sa mukha ko’y bumadha
Pagkat di inaasahan ang sa aki’y bubulaga
Nanghinayang  sa oras na sa iyo’y inaksaya
Minalas na mabiktima, kindat mong peke pala.

Pilit itinago pagkasuyang nadama
Tanging nais ay maglahong parang bula
At mapadpad sa lugar na di kita makikita
Nang makalimutan kong ikaw pala’y kakaiba.

Mahinhing kilos, malamyos mong tinig,
at matatamis mong ngiti,
Idagdag pa ang pilantik ng iyong mga daliri,
Bagay na aking napansin at diyan ako’y napangiwi
Sa unang pagkakataon, lab at pers sayt ko’y naunsyami.


below is the scanned page of  my poem

 


No comments:

Post a Comment