When I was young, my Tatay used to tell stories-- from his childhood to teenage days, the Death March in World war II (which kept me and my nephews fascinated), from courting my Nanay and how they met, and his 'little' experiences with paranormal. All that made me eager to hear more stories. Stories were our way of reconnecting with the past-- and our way to bond. I love stories in kinds and folks experiences had me engrossed with others' stories as well. Good thing about stories are--- kids will learn to listen and ask-- and make them understand things-- the what, when,where,how and who ( the hero and villain? ) in their stories. I'm not sure about the new generation but in our days ( two decades ago hhhmn)-- kids are not too engrossed with "tech world" yet, that's why such things and the old games are the past time. Through that stories and story telling-- I have learned a little about story telling on my own, and I get to test my ability (if you can call it that) in it when a friend asked me to make her an original story for her project in Filipino subject. Sangandaan ng Buhay is short--- and my niece calls it "bitin" for being cut short in the end. Maybe I'm gonna edit it soon and put twists etc. Read on....
“ I am sixteen going on seventeen…” tinig iyon ni Tanya na nagmumula sa banyo. Dinig ang boses niya hanggang sa kusina na kung saan naghahanda ang kanilang tiya Berta ng agahan, habang ang nakababata niyang kapatid na si Mike ay umiinom ng tubig. Limang taon ang tanda niya kay Mike na bagamat binata na rin sa edad na beinte uno ay may pagka-immature pa rin “ You’re 16 ten years ago ate, correction”, buska ni Mike mula sa kusina, na ikinangiti ng kanilang tiyahin.“ Tse! kinakanta ko lang yong kanta sa Sound of music!” balik ni Tanya mula sa banyo habang nagpupunas na ng tuwalya.“ Sus, e feel na feel mo kaya yun kanta, wehehehe” ang nakakalokong sagot .
Sa edad na beinte sais ay masasabing isa na siyang kilalang Interior Designer. Siya nga ang nagdisenyo sa kanilang bahay, ipinaayos nila ito ayon sa kagustuhan niya ng siya’y makatapos sa kolehiyo. Ipinabago niya ang ibang espasyo na di angkop sa kanyang panlasa, ngunit itinira ang mga lugar kung saa’y nagkaron silang mag-anak nang masasayang sandali ng nabubuhay pa ang kanilang mga magulang.
Bilang interior designer, naiimbitahan siya ng mga kliyente nya na nakatira sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Freelancer si Tanya, at mas gusto niyang wala siyang amo para kanya ang oras niya. Ayaw niya ng hinahawakan sya sapagkat dahilan niya’y may sarili siyang isip at kaya niyang magdesisyon. Sabi nga ng kanyang Tiya’y “Sungay mo, sunong mo, buntot mo, hila mo”. Napapalatak na lang siya kapag binabanggit yoon ng tiyahing nag-aruga sa kanila buhat ng mawala ang mga magulang. Matalino kasi si Tanya, talino na namana niya pareho sa mga magulang kung kayat malakas ang kanyang loob.
Pagkakain ni Tanya ay dagli siyang pumasok sa kuwarto at nagbihis. Mahuhuli na kasi siya sa natanguang kliyente. Isang oras pa naman ang biyahe mula sa kanila sa Quezon City hanggang sa Parañaque. Sa Kamias sila nakatira. Sa may di kalakihang bahay na namana nila sa mga magulang. Isa itong komunidad na tahimik at di magulo. “ Blagag!” tunog iyon ng aparador ni Tanya na dahil sa pagmamadali ay puro pabalibag ang tunog ng kanyang pagkakasara. “ O, ate, baka magiba ang aparador mo!” pabirong paalala ni Mike sa ate. “ Heh, huwag kang makulit, nagmamadali ako”, pataray na sagot niya. Napapailing na lang si Mike sabay ngisi. Pagkatapos ng may halos isang oras na biyahe, nakarating din si Tanya sa tagpuan.

Sa Sucat hi-way sa may Max ang kanilang meeting place. Nakita agad ni Tanya ang kanyang kliyente. Tumayo ito paglapit niya at kinamayan siya. “Hi, good morning Miss Cuanico” Bati nito. “Yes, Goodmorning Mr. Angelo, Sorry I’m late” paumanhin niya. “No, it’s alright, kararating ko lang din”, sabi ng ginoo. “ Kape?” “ Salamat po, pero di ako mahilig sa kape, nakakanerbiyos kasi eh” pabiro niya.“ Juice na lang aniya , doo'y tinawag ng ginoo ang weyter at umorder ng juice. Pagkatapos pag-usapan ang detalye ng gagawin niya sa bahay, nagtuloy sila sa bahay ng kliyente ni Tanya. Malapit lang ito, sa Maywood Village sa Sucat. Malaki ang lote, at bungad pa lang ng gate ay kita na ni Tanya ang may medyo me kalakihang bahay. Medyo may kalumaan na ito. Unang kita pa lang niya’y nabighani na siya dito. Nasiyahan siya sa isipin na kalalabasan nito pagkatapos niya rito. Ganitong-ganito ang pangarap noon ni Tanya. Di man sobrang laking bahay, ngunit me malawak na hardin kung saan nakapwesto ang mga paborito niyang halaman at bulaklak sapagkat mahilig siya sa mga ito at katamtamang likod-bahay para sa kanyang magiging anak. Anak? Napabuntonghininga siya, pano pala siya magkakaanak kung wala naman siyang asawa. Napailing siya, at naalala ang lalaking minsang naging bahagi ng kanyang pangarap. Kasalanan niya kung bakit hanggang ngayo’y dalaga pa siya, ang lalaking sana’y magiging katuparan ng kanyang mga pangarap ay lumayo upang bigyan daan sya sa kanyang mga pangarap. Sa kagustuhan niyang makamit ang mga mithiin niya sa buhay ay nakalimutan niyang may isang Renan na nagbigay sa kanya ng espesyal na pakiramdam, ng isang natatanging pagtingin, ngunit kanya itong binalewala at di binigyang importansya. Mahal na nya si Renan ng magpasya itong lumayo, at huli na upang aminin nya na mahalaga ito sa kanya.
Si Renan ay kaklase nya at naging kaibigan sa kolehiyo na kalaunan ay umibig sa kanya, At lihim din niyang inibig. Naudlot ang malalim nyang pag-iisip ng mapukaw ng kanyang pansin si Mr. Angelo na pababa ng hagdan at matiim na nakatingin sa kanya. “ Ah, Miss Cuanico, may problema ba sa ayos ng bahay?” tanong ng lalaki. “ah, wala naman ho, pinag-iisipan ko lang hong mabuti ang magandang kulay para sa dingding ng bahay”, pagsisinungaling nya. Pagkatapos nilang libutin ang kabuuan ng bahay ay kinausap siya ng ginoo. “Ms. Cuanico, dahil hindi pa naman lilipat ang pinsan ko, mas maganda at mahabang oras ang magugugol mo sa bahay niya, kaya ikaw na ang bahalang magpasya kung anong magandang disenyo rito. At kung ano ang makabubuti, nasa iyo ang pagpapasiya” pahayag ng ginoo. Nabigla si Tanya dahil di niya sukat akalain na ipapamahala sa kanya ang pagdedesisyon sa lahat ng gagawin sa bahay. “Kung may problema, itawag mo lang sa akin”, dagdag pa ng ginoo. Pagkalipas ng ilan pang pag-iikot at munting bilin, nagpasiya ang lalaki na mauna na. “Bweno, mauuna na ako, maari na kita sigurong iwan, ako’y may importante pang lalakarin, kung may kailangan ka ay sabihan mo lang si Mang Roque sa may likuran”, Ani ng lalaki. Ang tinutukoy nito ay ang katiwala nila na nasa likod-bahay, na siyang pansamantalang nangangalaga sa bahay. Ang bahay ay dating pag-aari ng mga Siquioco na nangibang bansa at doon na nanirahan. Ngayo’y napamana sa apo na magbabalikbayan upang dito na manirahan.
Ang Mr. Angelo na ito ay kamag-anak raw ng kaibigan niya sa kolehiyo na nagrekomenda sa kanya. Nagpaalam na ang ginoo at naiwan si Tanya sa gitna ng sala. Iniikot niya ang tingin sa paligid. Napukaw ng pansin ang makipot na daanan sa may gawing kusina. “Di ko yata napansin ito kanina” sabi sa sarili. Tinitigan ang pintuan. Ito ay di niya mawari kung pintuan ba o bintana at medyo mataas. Alanganing pintuan at alanganing bintana. Habang papalapit siya, kita nya na ang mala litratong pintuan ay may mga daan. Parang krosing. Papuntang Hilaga, sa kaliwa ay Kanluran at ang daan sa kanan ay sa Silangan. Maya maya pa ay natagpuan niya ang sarili na pumasok sa pintuan. Para siyang namamalikmata. Paglakad niya sa kanluran ay nakita ang sariling nasa kolehiyo pa. Second year sya, may lumapit na lalaki na tingin niya’y di kakilala lang. nakatalikod ang lalaki, ngunit ang dalagang kamukha nya, ay abala sa ginagawa at di pansin ang binatang bumati. Nakita niya ang mukha, si Renan ang lalaki, at siya ang babaeng di namamansin! Nabigla siya. Paanong bumalik siya sa nakaraan. Sa kalituhan ay pumihit siya, at sa bawat direksyon siya’y napatda sa nakita, siya uli at mga bagay na pinagkakaabalahan niya! Parang telebisyon, nakikita ang buhay niya, nangyari ilang taon na rin ang nagdaan at mga panahon na abala siya sa trabaho…trabaho…trabaho... Diyos ko,nabanggit niya, bakit ako nandito? Anong ibig sabihin ng mga ito? Naguguluhan siya. Pagpihit at paglakad niya sa Silangan, nagliwanag ang mukha niya. Hindi siya maaring magkamali, anduon ang mama at papa niya, buhay ang mga ito. Patakbo siyang yayakap sana sa mga magulang , nakatagilid ang mga ito. Tatawagin sana niya ngunit nagsalita ang mama niya, napatda siya dahil kinakausap siya ng mga ito ngunit parang may kung anong pader ang nasa pagitan nila ng mga magulang. “ Tanya, mahal na mahal ka namin ng papa mo, kayo ng kapatid mo. Gusto naming maging maayos ang buhay niyong magkapatid, Mabait ka Tanya, Responsable at mabuting tao, alam naming hindi ka na maliligaw ng landas dahil nakita namin ang katatagan mo” pahayag ng imahen ng mama nya. “Alam naming masakit sa inyo, lalo na sa iyo ang pagkawala namin ng iyong ama, at in denial ka sa aming biglang pagkawala. Ngunit, wala man kami sa tabi nyo, nakikita namin ang lahat ng pagdurusa at pagsisikap nyo…mo Tanya, Ganoon man, karamay mo kami lagi. Tigagal si Tanya. Totoo yon, hanggang ngayon nga kasi ay di niya matanggap ang pagkamatay ng mahal na mga magulang, kayat isinubsob ang sarili sa pag-aaral. Trabaho…at trabaho. Napaluha na siya ng magsalita ang ama “Anak, panahon na siguro upang harapin mo ang iyong buhay, lumabas ka sa iyong lungga, wag kang magkulong. Masarap mabuhay. Wala man kami ay patuloy ang buhay nyo. Sikapin nyong maging masaya sa mundong ito.” Tagumpay ka na sa buhay, kaya sana naman ay bigyang prayoridad mo ang iyong sarili hindi puro trabaho” pahayag ng ama. “tanggalin mo ang pait sa iyong dibdib anak. Nakita na lang niya ang sariling kaharap ang mga magulang. Ngumiti ang mga ito. Umiyak na siya. Itinaas nya ang kamay sa tangkang hawakan ang mga magulang at namangha sya sapagkat nayakap nya ang mga ito. “Hanggang sa muli, anak. Magkikita pa tayo pagdating ng panahon” pahayag ng mga ito at unti-unting naglaho. Naiwan si Tanya na lumuluha ngunit magaan na ang dibdib. Opo Ma, Pa, makakaasa kayong gagawin ko ang nais nyo. Bigla na lamang siyang naalimpungatan, niyuyugyog na pala siya ni mang Roque. “Ma’m…Ma’am “, tapik nito sa kanya. “Nakatulog po kayo sa may upuan”, ani to.” Sa sofa na lang po kayo para di kayo mahirapan”. Nakatulog pala siya! Ang weird naman, kanina lang ay nakatayo siya at nakatingin sa pintuan. “ Nasaan ang…..”naudlot ang sasabihin nya at napatingin sa matanda na nahinuha nyang ang katiwala. “ Ah eh, Mang Roque nga ho no?, san na po ba yong pintuan diyan?” aniya. “Aling pintuan?”, tanong ng matanda. “Yon pong nandiyan kanina” . “Ah, hindi yon pintuan, frame yon na malaki, nakasandal lang diyan kanina, at inilipat ko na ng lugar nun natutulog kayo” pahayag ng matanda. Naguluhan siya, kanina ay pumasok siya doon at nakita niya SIYA! “Bakit po Ma’am?” tanung ng matanda.” Tawagin nyo na lang po akong Tanya para di naman po masyadong pormal”, aniya. “Bakit Tanya, nagandahan ka ba sa frame na iyon?” tanong ng butihing matanda. “Ah, wala po, maganda pong dekorasyon eh” pagtatakip nya, ayaw niyang isipin ng matanda na nasisiraan na siya ng bait. “Parang nakakabighani noh? napakatagal na ng frame na iyon, galing pa sa ninuno ng mga Siquioco. Buti na lamang at di pinagbili. “Krosrowd” ang titulo non, mahiwaga daw yon eh, pero tsaka ko na ikukuwento at napakahabang kwento”, ang nakangiting pahayag ng matanda. Sadya ngang mahiwaga ang krosrowd na iyon alam niya kahit di na ipaliwanag ng matanda, sapagkat nakita niya. Di niya alam kung may maniniwala. Ngunit ang mahalaga sa kanya ay natauhan siya. Malinaw ang mensahe ng pangitaing iyon. Krosrowd…Crossroad, ibig sabihin ay sangandaan. Ang sangandaan ng buhay niya.
Nang sa pagbukas ng pintuan ay biglang tumambad si Mr. Angelo, “Ah, Ms. Cuanico, bumalik ako, nasa hi-way na’ko kanina at bigla kong nakasalubong ang sasakyan ng pinsan ko, kaya minabuti kong bumalik at ipakilala ka na ng mapag-usapan nyo nang mabuti ang mga plano sa bahay na ito ” paliwanag ng ginoo. “Ah, sige po, nasaan na po siya” ang kanyang tanong “. Pumasok ang isang lalaki na noo’y naka-itim na sunglass, mukhang kagagaling sa lakad.Simpatiko ang dating ng lalaki. Kaswal ang damit ngunit napakalakas ng dating. Inikot ng lalaki ang tingin.sa paligid, at huminto ang tingin sa kanya, matiim. Aywan kung bakit, Ngunit may malakas siyang kutob. Pamilyar sa kanya ang hubog ng lalaki. Tinanggal ng binata ang salamin at tumambad ang pamilyar na mukha, ngumiti ito….Renan? Ikaw ba yan?, ang tangi niyang nasambit”. Nanibago sya dahil naging mas matikas ito kaysa dati. Ang maaliwalas na mukha ay naging tila sa isang aktor na sa isang tingin ay di mo na maalis ang iyong pagkakatitig. “Tanya, ako nga, nagustuhan mo ba?” “Alin, ang bahay? Oo, maganda. Pag-usapan na natin kung pano ang nais mong disenyo ito” aniyang halos magkanda buhol-buhol ang dila sa kabang nararamdaman. Lumapit si Renan at hinawakan siya sa kamay. “Tanya, ‘di nako magpapaligoy-ligoy pa.hindi ko na palalammpasin ang pagkakataong to. Will you marry me?” ang direktang tanong. “ Ang tagal kong naghintay, sa mga panahong hindi tayo nagkita, alam ko kung nasaan ka at kinukumusta kita, hindi mo lang alam. Ang bahay na ito ay para sa iyo…sa atin. Tapos na ang pagtatago ng damdamin. Ngayon, tinatanggap mo ba ang pagibig ko?” Ngumiti si Tanya, Matay man niyang isipin ay napakabilis ng pangyayari at ng lalaking ito. Ngunit, tapos na nga ang pagtatago ng nararamdaman. Panahon na upang lumaya siya sa pagkakakulong nya sa kalungkutan. ito ang katuparan ng pangarap niya. Namutawi sa kanyang bibig..“Oo, Renan, patawarin mo ko kung di ko ipinagtapat…Mahal din kita noon pa”.

No comments:
Post a Comment