Friday, July 4, 2014

Tula ng Emotera

Yay.. haha, came across my poem on valentines day from 3 valentine seasons ago.This was for my then bf--now bff. lolz...

 At times, we become a makata when in love. We can do stupid things and great things we dont even  realize when we're inlove, and some talent emerge just like this one--writing poem.... non poet writes poem, non singer compose music, non cook becomes a kitchen muse etc etc... The bottom line is, love could really make someone do things. Well, my then poem ..



Tula ng Emotera

J  ang simula ng kanyang  ngalan,
Inisyal pa lang masarap ng pakinggan,
Sa ‘king pandinig, simple… Apat na letra sa kabuuan
Maiksi ngunit kung  ang me ari ng ngalan ang  titignan
Higit pa rito ang misteryo ng kanyang katauhan..

Emote  ng puso ko, bahala na si batman---
sana lang puso ko’y huwag pahirapan
Mahal nya ko noon, kahapon, hanggang ngayon
Panghahawakan ko pangakong  niluma na ng panahon
Sana lang huwag subukan ng pagkakataon..

Luluha tiyak ang pusong  di ko alam kung hanggang  saan ang mitsa
Kung sakaling pangako ay biglang bawiin na lang basta
Sana naman ay hindi, ako’y umaasa
Pag-ibig kong korni mang tignan alam ko namang tunay at kakaiba
Sabihan man akong unlimited, pauli-ulit at parang sirang plaka…
Ayos lang yun pagkat mahal ko sya ..sino ba iyon?  Ikaw nga!

Mahal kita…at Mamahalin pa kita—noon yan ang lagi mong bukambibig
Ngayon ang salitang yan ang nais ko sana uling marinig
Ngayong Araw ng mga puso—eto ang aking hiling,
Sana kakornihan mang matatawag iyo itong dinggin

Mga salitang sa isip at puso’y tumiim
Hanggang sa hukay iyan ay dadalhin
Pahiram ng dayalog kung di mo mamasamain

Mahal kita.. at mamahalin pa …kung iyong nanaisin.

No comments:

Post a Comment